
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS tungkol sa armed conflict sa Pilipinas, kabilang ang separatismo sa Mindanao at communist insurgency, ang agarang tulong at seguridad ay nagiging epektibo lang kung bahagi ito ng mas malawak na peacebuilding efforts na may malinaw na landas patungo sa pangmatagalang reintegration at development.
Ibig sabihin, hindi sapat ang pera, tirahan, o pangakong proteksyon kung walang tuloy-tuloy at seryosong pagpapatupad mula sa gobyerno. Kapag kulang ang follow-through, nasisira ang tiwala na siyang pundasyon ng kapayapaan.
Ano ang “peacebuilding” at paano natin matitiyak na ang mga programang pangkapayapaan ay hindi lang panandalian?
Basahin ang buong pag-aaral:
Gallery Images:






