èßäAV

: Every Holy Week, millions of Filipinos make the journey back to their provinces. Ano nga ba ang inuuwian nila? 

Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS, malalaki ang agwat sa road transport, electricity, ICT, at water supply sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa Luzon, kapansin-pansin ang disparities sa water access at road quality, habang maraming rehiyon sa Visayas ang nasa “lower end” ng mga sukat na ito. Nangunguna pa rin ang National Capital Region, samantalang ang BARMM ay nahuhuli sa halos lahat ng metrics.

Hindi lang ito usaping uwian kapag long weekend.

Ipinapakita rin ng pag-aaral na mas pinipili ng mga tao na lumipat sa mga lugar na may mas maayos na imprastraktura at mas maraming oportunidad. Sa madaling sabi, “people vote with their feet”—lumilipat sila sa mga lugar na may mas mataas na economic activity, mas maraming trabaho, at mas maayos na serbisyo.

Dahil dito, mahalagang pag-isipan: kung umaalis ang mga tao sa kanilang probinsiya dahil sa kakulangan ng oportunidad at imprastraktura, ano ang ibig sabihin nito para sa mga programang naghihikayat ng return migration?

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang mga sumusunod na lathalain: at

 


Main Menu

Secondary Menu